12 menor de edad nailigtas sa hazing sa Lapu-Lapu City

Nailigtas ng mga otoridad ang 12 menor de edad sa hazing sa isang abandonadong bahay sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon sa hepe ng Mactan Police na si Chief Insp. Wayne Magbanua, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen kaugnay sa isasagawang hazing activity kung kaya’t pinuntahan nila ang lugar.

Kinumpirma ni P02 Lucelyn Estrilloso ng Women and Children Protection Desk ng Mactan Police Station ang pagkakaaresto ng grupo sa Sitio Bag-ong Silingan, Barangay Mactan sa Lapu-Lapu City sa Cebu 11 gabi ng Linggo (September 9).

Kinilala ang mga naaresto na sina Jomarie Sulit, 21 taong gulang; Charlie Degamo, 19 taong gulang; at Jevan Enecita, 21 taong gulang pawang mag residente ng Barangay Mactan.

Ang mga naarestong suspek at nasa kustodiya na ng mga otoridad.

Read more...