Port congestion sa dalawang port sa Maynila, pinabulaanan ng BOC

Inquirer File Photo

Itinanggi ng Bureau of Customs (BOC) na may nararanasang port congestion at pagkaantala sa pagpapalabas ng mga shipment sa dalawang pantalan sa Maynila na pinakamalalaki ring port sa bansa.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, nasa 86 at 88-percent ang port utilization percentage sa Manila International Container Port (MICP) at Port of Manila (POM).

Wala rin umano silang namomonitor na barko na padaong sa South Harbor.

Kung nagkakaroon man aniya ng pagkaantala sa pagdiskarga ng mga container, ito ay dahil sa masamang lagay ng panahon.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na umano sila sa mga terminal operator para mapaghandaan ang inaasahang dagsa ng mga kargamento dahil sa papalapit na Pasko.

Sa oras na madiskarga na ang mga kargamento mula sa mga container, kailangan umanong madaliin ang pagpapalabas ng mga shipment lalu na ang mga mahahalagang pagkain.

Read more...