De facto martial law pinabulaanan ni Pangulong Duterte

Pumalag si Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon nang de facto martial law sa bansa.

Paliwanag ng pangulo, patuloy siyang sumasandal sa kung ano ang tama at constitutional.

Malabo aniya ang alegasyon ni Trillanes na mayroong de facto martial law sa bansa.

Apela pa ng pangulo sa publiko, huwag maniwala sa mga alegasyon ni Trillanes.

“I am sticking to what is right and — at constitutional. Maniwala de facto martial law… Pati si De Lima — kayong Pilipino. She was able to convince the entire world, ‘yung mga left organizations, mga socio — mga socdem all over the world na
prisoner of conscience siya” – ayon sa pangulo.

Read more...