Meralco sisilbihan ng “disconnection notice” ng grupo ng mga consumer

Inquirer File Photo

Sinugod ng Electric Consumer group ang 15 sangay ng Meralco upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa mataas na singil sa kuryente.

Binigyan din ng grupo ng ”Notice of Disconnection” ang pitong sangay ng Meralco dahil sa kabiguan na makapag-bigay ng malinis, ligtas at abot-kayang kuryente sa kanilang mga subscriber.

Sinabi naman ni Gerry Arances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology and Development (CEED) at co-convener ng P4P na ang kanilang kilos- protesta ay sanhi ng pagbabalewala ng Meralco sa panawagan ng masa na ibaba ang singil sa kuryente

Anila, may available namang reneweable energy na aabot lamang sa P2.99 kada kilowatt hour na ligtas gamitin.

Matantandaan na sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia 85 percent na customer ng Meralco ay dismayado sa presyo at pinagkukuhanan ng elektrisidad ng naturang electric company.

Read more...