Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, ang unang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 130 kilometro Hilagang-Kanluran ng Basco, Batanes.
Ang ikalawang LPA naman na pumasok ng bansa kagabi ay huling namataan sa layong 815 kilometro Sillangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Hindi ibinababa ng weather bureau ang posibilidad na maging bagong bagyo ang LPA na malapit sa Batanes.
Dahil sa dalawang sama ng panahon, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Western at Central Visayas, at sa buong Mindanao.
Sa nalalabing bahagi ng bansa naman kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.