Nakapagtala ng aftershocks ang Phivolcs matapos ang magnitude 6.4 n lindol sa Manay, Davao Oriental alas-3:16, Sabado ng hapon.
Alas-5:18 ng hapon nang tumama ang muli isang magnitude 3.6 na lindol sa bayan.
Alas-9:52 naman ng gabi nang tumama ang isang magnitude 3.0 habang pinakahuli ang isang magnitude 3.3 kaninang ala-1:15 ng madaling araw.
Matatandaang nauna nang sinabi ng Phivolcs na posible ang mga aftershocks dahil sa lakas ng pagyanig.
Sa magnitude 6.4 na lindol kahapon, naramdaman ang lakas na Intensity V sa Davao City at Mati City sa Davao Oriental; Intensity IV sa Koronadal City at Bislig City; Intensity III sa Tupi, South Cotabato; Alabel at Malapatan, Sarangani; at Intensity II sa Cotabato City at General Santos City.
Instrumental Instensity III ang naramdaman sa Alabel, Sarangani; Instrumental Intensity II sa Bislig City at Instrumental Intensity I sa General Santos City.
Batay naman sa mga mga litrato ng mga residente, nadulot ng mga pinsala ang lindol, gaya ng pagbitak ng sahig at pagkahulog ng kisame.