Ito ay dahil sa mga nabigong procurement deals para sa helicopters at kagamitan na bahagi sana ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa kanyang talumpati sa Davao International Airport matapos ang pagbisita sa Israel at Jordan, sinisi ng presidente si Sen. Leila De Lima sa mga nakanselang kasunduan.
Ani Duterte, napaniwala ng senadora ang ibang bansa at mga makakaliwang grupo na siya ay isang ‘prisoner of conscience’.
Dahil dito ay tinawag ng pangulo na estupido ang UN, Canada at Washington.
Nauna nang binatikos ni Duterte ang US sa pagbebenta ng umano’y refurbished helicopters na anya ang iba ay nag-crash o bumagsak na.
Kinansela rin ng presidente ang $233-million procurement deal sa Canada para sa 16 na helicopters dahil sa utos ni Prime Minister na Justin Trudeau na i-review ang kontrata dahil sa isyu ng human rights.