Sa press conference sa Senado, sinabi ng senador na nagkamali ang mga Filipino sa pagboto kay Duterte dahil hindi anya angkop ang kakayahan nito para maging presidente.
Anya, ang governance skills ni Duterte ay ‘pambaranggay’ lang maging ang paraan nito ng pananalita at pananamit.
Nilinaw naman ni Trillanes na hindi niya minamaliit ang barangay governance ngunit iba anya ang lawak ng pamahalaang pambansa.
Dagdag pa ni Trillanes, gulo lang ang ginawa ng pangulo dahil sa kalagayan ng bansa sa ngayon na may problema sa ekonomiya, trapiko, kahirapan at mga isyu sa serbisyo ng gobyerno.
Anya, hangga’t si Duterte ang presidente, asahan na ang mas malalang sitwasyon sa bansa.