Pang. Duterte, hindi kailangan ng loyalty mula sa militar at pulisya

“I don’t need loyalty.”

Yan ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte, nang matanong kung kailangan na ba ng loyalty check sa hanay ng militar at pulisya.

Ito’y kasunod na rin ng mga alegasyong nawawala na raw ang katapatan sa kanya ng ilang grupo ng mga sundalo at pulis matapos bawiin ang amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Duterte, mula’t sapul ay kanyang sinabi na hindi siya dapat alagaan ng militar o sinuman sa kanyang gabinete.

Giit ng presidente, mas marapat na tumutok ang mga sundalo’t pulis sa kanilang katapatan sa bandila ng Pilipinas at sa Konstitusyon.

Muli namang sinabi ni Duterte na handa siyang bumaba sa pwesto kung hindi na siya gusto ng mga Pilipino bilang pangulo.

 

Read more...