Sa kanyang press conference sa Senado, pinalagan ni Trillanes ang lahat ng mga alegasyon laban sa kanya ni Duterte.
Ayon sa senador, nagkamali ang mga Pilipino nang iboto para maging presidente si Duterte.
Sinabi pa ni Trillanes sa San Beda College of Law na hindi raw siya bilib sa produkto nito, na patama rin kay Duterte.
Aniya, hindi raw umaaktong bilang isang abogado si Duterte at kailangan daw na rebyuhin na kung nakapasa talaga ang pangulo sa Bar exam.
Baka raw kasi nilakad lamang ng tatay ni Pangulong Digong para siya’y makapasa sa bar.
Mensahe naman ni Trillanes sa pagbabalik-bansa ni Duterte matapos ang kanyang state visit sa Israel at Jordon, “Baka pwede nang tutukan ang tunay na problema ng bayan.”