Sa Q&A sa Davao City matapos ang kanyang state visit sa Israel at Jordan, payo ni Duterte sa publiko “yang tatlong yan, bantayan niyo yan.”
Inakusahan pa ng presidente sina Trillanes, LP at ang Politburo ng CPP na nagtutulungan para siya ay patalsikin sa Malakanyang.
Ayon kay Duterte, ginagamit daw ng tatlo ang isyu ng krisis sa bigas at inflation rate para siraan ang administrasyon at maisakatuparan ang plano sa darating na Oktubre.
Pero sa mabilis na tugon ni Trillanes, sinabi nito na kung may nagko-connive o nakikipagsabwatan man daw sa iba, si Duterte raw yun.
Paalala ni Trillanes, minsan nang nagpapasok si Duterte ng mga miyembro ng makakaliwa sa gabinete.
Dagdag nito, sa administrasyon din ng presidente pinakawalan ang mga Tiamzon, na kilalang mga opisyal ng leftist group.