Ilang domestic flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Inquirer file photo

Ilang domestic flights ang kinansela ngayong Sabado September 8, dahil sa sama ng panahon.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, hindi pinahintulutang bumiyahe ang mga sumusunod na CebGo flights na:

– 5J 6009 (Manila-Basco, Batanes)
– 5J 6010 (Basco, Batanes-Manila)

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na tumawag sa naturang airline para sa flight re-booking at assistance.

Patuloy namang magmonitor sa Radyo Inquirer para sa update hinggil sa cancelled flights.

Read more...