Sa edad na 54 ay inanunsyo na ni Alibaba co-founder Jack Ma ang kanyang retirement.
Ipinaliwanag ng Chinese e-commerce guru na balak niyang maglaan ng mas mahabang panahon sa ilang mga proyekto na nakatutok sa edukasyon.
Bago naitatag ang multibillion-dollar na e-commerce giant na Alibaba noong taong 1999 ay isang English teacher ni Ma.
Sa ngayon ay umaabot na sa $420.8 Billion ang kabuuang asset ng Alibaba.
Sa panayam ng New York Times, sinabi ni Ma na hindi maituturing na pagtatapos sa kanyang pangalan ang salitang “retirement” kundi panimula ng bagong landas na kanyang tatahakin.
Ibinahagi rin ni Ma ang kanyang kwento sa kung paanong sa kapital na $60,000 ay napalago niya ang kanyang e-commerce firm na isa sa pinaka-malaking pangalan sa hanay ng mga online company sa buong mundo.
Si Ma ay isa sa pinaka-mayamang Chinese ay may kabuuang networth na $36.6 Billion ayon sa Forbes.