AFP officials na tumanggap sa amnesty application ni Trillanes pinagpaliwanag

Inquirer photo

Ipinatawag ng Department of National Defense ang mga military official na nag-proseso sa amnesty application ni Sen. Anotnio Trillanes IV noong taong 2011.

Kabilang dito si DND Ad Hoc Committee Secretariat Col. Josefa Berbigal.

Si Berbigal ang mismong nagpanumpa kay Trillanes sa nang siya’y magsumite ng kanyang amnesty application.

Ang pangalan rin ng nasabing opisyal ang nakapirma sa mga dokumentong iniharap sa media ng mambabatas.

Gayunman ay hindi na nagbigay pa ng detalye ang DND kaugnay sa nasabing ulat.

Nauna nang sinabi ni AFP Spokesman Col. Edgart Arevalo na muling sisilipin  sa ilalim ng court martial ang kaso ni Trillanes.

Ito ay bilang pagtalima sa probisyon an nakapaloob sa Presidential Proclamation 572 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

May kaugnayan ito sa pagkakasangkot ni Trillanes sa tangkang pagpapabagsak sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng Oakwood at Manila Peninsula siege.

Read more...