4.6 million na sako ng bigas “ready for distribution” ayon sa DOF

Inquirer file photo

Kinumpirma ng Department of Finance na handa na para sa distribusyon ng National Food Authority (NFA) ang 4.5 million na sako ng bigas.

Sinabi Finance Asec. Tony Lambino na bahagi ito ng delayed shipment ng mga bigas na inangkat ng NFA.

Ang DOF ay bahagi ng NFA council na siyang policy-making body ng National Food Authority.

Umaabot sa 2.7 milyon na sako ng bigas ang inilaan para sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi provinces o Zambasulta area.

Ipinaliwanag ni Lambino na dahil sa pagdating ng dagdag na suplay ng bigas sa merkado ay mas magiging mababa na ang halaga nito para sa mga consumer.

Magugunitang umabot sa P72 kada kilo ang halaga ng commercial rice sa Zamboanga City noong nakalipas na buwan dahil sa kakulangan ng supply ng nasabing butil sa mga pamilihan.

Read more...