Ayon sa BSP, naging negatibo ang kabuuang confidence index ng mga consumers sa walong magkasunod na kwarter.
Bumagsak sa -7.1% ang confidence index sa kasalukuyang kwarter mula sa 3.8% noong ikalawang kwarter.
Sinabi ni BSP Department of Economic Statistics head Redentor Paolo Alegre Jr., patunay ang negative index na mas marami ang mga pessimists o negatibo ang pananaw kumpara sa mga optimists o positibo ang pananaw sa nasabing panahon.
Ayon sa mga respondents, ang negatibo nilang pananaw ay dahil sa inaasahan nilang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin, mababang sweldo o kita, mas mataas na gastos sa bahay, mataas na unemployment rate at walang umento sa sahod.
Binanggit din ng respondents ang mas mataas na gastos sa edukasyon at pamasahe kaya hindi maganda ang tingin nila maski sa paparating na Holiday season.