Sa impomasyon ng Phivolcs, ang unang pagyanig ay naitala alas-11:09 ng gabi.
Ang episentro ng lindol ay sa layong 43 kilometro Hilagang-Kanluran ng Santa Ana.
Alas-11:13 naman nang maitala ang ikalawang pagyanig.
Ang episentro nito ay sa layong 43 kilometro pa rin, Hilagang-Kanluran ng Santa Ana.
Parehong may lalim na isang kilometro ang mga pagyanig at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES