Dating Gen. Jovito Palparan hahatulan na ng korte kaugnay sa pagkawala ng 2 UP students

PALPARAN ARRESTED/ AUGUST 12,2014
INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Maglalabas na ang Malolos Regional Trial Court ng hatol sa mga kaso ni dating Army Major General Jovito Palparan Jr.

Sa notice of promulgation na ipinadala na National Union of People’s Lawyers, nakasaad na itinakda ang promulgation of judgment sa September 17, 2018, alas-nuebe ng umaga sa RTC branch 15 sa Malolos, Bulacan.

Ito ay para sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention laban kay Palparan, na nag-ugat sa pagkawala ng dalawang University of the Philippines o UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno.

Mula noong June 26, 2006 ay hindi pa rin nakikita ang dalawang estudyante.

Maliban kay Palparan, akusado rin sina Lt. Col. Felipe Anotado, at Senior Sgt. Edgardo Osorio.

Naniniwala si Atty. Edre Olalia, isa sa mga abogado ng prosekusyon, na mahahatulang guilty si Palparan at matatamo na ang hustisyang matagal nang hinihintay ng mga kaanak ng mga biktima.

Read more...