Ang kampo ni Trillanes ay humirit sa Korte Suprema ng motion for special raffle para maging mabilis ang pagpapasya sa hiling niyang na mapawalang bisa ang proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, nagsagawa ng special raffle ang en banc at kay Peralta napunta ang kaso. Ibig sabihin si Peralta ang magiging ponente ng resolusyon sa mosyon ng senador.
Sa Lunes na masusuri ni Peralta ang mga hirit ng senador at ito ay matatalakay naman sa en banc session sa Martes.
Sa hanay ng mga mahistrado ng Korte Suprema pangatlo sa most senior si Peralta.
Kabilang sa mga kontrobersiyal na kaso na kaniyang pinaburan ay ang pagpapalibing kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, pagpapalawig ng martial law sa Mindanao gayundin sa quo warranto petition laban sa pinatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno.