Hinainan ng halo-halo si NBA superstar Stephen Curry bago ang kaniyang press conference sa Shangri-La sa Bonifacio Global City sa Tagiug.
Ayon kay Curry, mahilig siya sa matatamis kaya nagustuhan niya ang halo-halo.
Nagbiro pa si Curry na magandang post workout meal ang halo-halo dahil katatapos lang niyang mag-workout nang patikman sa kaniya ang sikat na Filipino dessert.
Nasa bansa si Curry para sa kaniyang Under Armour Asia Tour.
MOST READ
LATEST STORIES