Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pulong balitaan sa Amman, Jordan.
Ayon kay Roque, kinausap kahapon ni Pangulong Duterte ang mga kasama niyang miyembro ng gabinete para talakayin ang usapin kay Trillanes at matapos ang mahabang diskusyon, nagpasya ang pangulo na hintayin ang arrest warrant bilang pagtalima sa itinatakda ng batas.
Hihintayin aniya ng pangulo ang magiging pasya ng mababang korte.
Kabilang sa mga kinausap ng pangulo, Huwebes ng gabi, ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr, at Executive Secretary Salvador Medialdea, gayundin ang iba pang opisyal na kasama sa foreign trip.