LOOK: Sen. Trillanes ipinagdasal ni Fr. Robert Reyes sa Our Lady of Peñafrancia

Kuha ni Chris Osera

Pinangunahan ni Fr. Robert Reyes ang pag-aalay ng dasal sa imahen ng Our Lady of Peñafrancia sa opisina ni Senator Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang panalangin agad hiniling ni Fr. Reyes ang proteksyon ng Birheng Maria para sa tatlong Bicolanong opisyal-sina Vice President Leni Robredo, Sen Leila de Lima at Sen Antonio Trillanes IV.

Idinasal din ni Reyes ang paghinto sa panggigipit sa tatlong opisyal.

Sa kanyang hiwalay pa na mensahe, binanggit ni Fr. Reyes na noong EDSA People Power naging sentro ang Birheng Maria kaya’t ngayon aniya ay hilingin din ng lahat na mamagitan ang Birheng Maria para wakasan ang isa pang dikdaturya.

Nagpasalamat naman si Trillanes sa mga religious leaders na naniniwala at naninindigan para sa kanya.

Personal din niyang hiniling sa Our Lady of Peñafrancia ang paggabay sa kinalalagyan niya ngayon.

Read more...