Notorious na holdaper arestado sa Makati City

SPD Photo

Nagpapatrolya ang mga otoridad sa Barangay Rizal, Makati City nang matiyempuhan ang isang lalaki na mayroong sukbit na kutsilyo sa kanyang baywang.

Inaresto ng Makati City Police si Romuald Villarama, 18 taong gulang na napag-alamang isa palang notrious na holdupper sa nasabing lungsod dahil sa possession of bladed weapon.

Ngunit nang kapkapan ay nakuha mula kay Villarama ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nabatid na bukod sa pangho-holdup ay sangkot din si Villarama sa iba pang krimen katulad ng carnapping at pagnanakaw. Madalas umano itong naghahasik ng krimen sa Barangay Rizal at mga kalapit na barangay.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Makati City Police at mahaharap sa kasong may kaugnayan sa droga, carnapping, robbery, at theft.

Read more...