Piso bumagsak pa sa pinakamababang halaga sa loob ng nakalipas na 13-taon

Patuloy ang pagbulusok ng piso kontra dolyar.

Mula sa P53.55 noong Miyerkules ay nagsara ang palitan sa P53.80 kahapon na pinakamababang halaga ng national currency sa nakalipas na 13 taon.

Noong December 7, 2005 pa huling nagsara sa P53.985 ang palitan ng piso at dolyar.

Ito na ang ikaapat na araw na talo ang piso sa trading na lalo pang pinag-ibayo ng patuloy na pagtaas na presyo ng mga bilihin.

Ayon naman sa traders, gumagawa na ng paraan ang Bangko Sentral ng Pilipinas para pakalmahin ang pagbulusok ng piso

Read more...