2 LPA, habagat nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Dalawang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa sa kasalukuyan.

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, huling namataan ang unang sama ng panahon sa layong 620 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Sa ngayon ay wala itong direktang epekto sa bansa at inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng 24 oras.

Samantala, ang ikalawang LPA ay huling namataan sa layong 130 kilometro Kanluran Hilagang-Kanluran ng Calapan, Oriental Mindoro.

Nakakaapekto na sa Luzon at bahagi ng Visayas ang nasabing LPA.

Ngayong araw, makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat bunsod ng habagat at LPA ang halos kabuuan ng Luzon kabilang na ang Metro Manila at Kanlurang Visayas.

Sa natitirang bahagi ng Visayas at buong Mindanao ay mararanasan ang maalinsangang panahon na makararanas lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstoms.

Read more...