Amnestiya ni Trillanes, dumaan sa tamang proseso ayon kay dating Defense Sec. Gazmin

INQUIRER.net photo / Cathrine Gonzales

Kinumpirma ni dating Department of National Defense (DND) Sec. Volataire Gazmin na nagsumite ng aplikasyon para sa amnestiya si Sen. Antonio Trillanes.

Ito ay taliwas sa proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabing hindi kasama ang senador sa listahan ng mga nabigyan ng amnestiya batay sa Ad Hoc Committee Resolution No. 2 ng DND na inaprubahan mismo ng dating kalihim.

Matatandaang sinabi sa proklamasyon na walang kopya ng aplikasyon si Trillanes at walang pag-amin sa ginawang kasalanan kaya’t idineklarang ‘void ab initio’ ang kanyang amnestiya.

Gayunman, sa isang pahayag iginiit ni Gazmin na lahat ng nabigyan ng amnestiya ay dumaan sa tamang proseso.

Anya pa, nakikipag-ugnayan na siya ngayon sa Ad Hoc Committee upang mabalikan ang mga nangyari lalo pa’t ilang taon na ang nakalilipas ng ibigay ang amnestiya.

“As far as I can remember all those who were granted amnesty went through the process. I am getting in touch with the Ad Hoc Committee so that facts can be refreshed as these happened many years ago,” ani Gazmin.

Read more...