Bodega na naglalaman ng smuggled rice mula China, sinalakay ng BOC sa Bulacan

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at PNP Intelligence Operatives sa Camp Crame Biyernes ng madaling araw ang mga bodega sa Bulacan na naglalaman ng hinihinalang smuggled rice mula sa China.

Anim na bodega ang naglalaman ng saku-sakong bigas kung saan nakalagay ang ‘milled and processed in China’.

Ipinagtataka ng mga awtoridad kung saan galing ang mga ito lalo pa’t sa Thailand at Vietnam lamang umaangkat ng bigas ang Pilipinas.

Patuloy ang pagbubukas ng BOC at pulisya sa mga bodega sa kasalukuyan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng bodega at posibleng mapanagot sa rice smuggling.

Read more...