BREAKING: Fiji, niyanig ng magnitude 7.8 na lindol

Niyanig ng isang magnitude 7.8 na lindol ang Fiji alas-11:49 ng gabi oras sa Pilipinas.

Sa unang impormasyon na inilabas ng USGS, may lakas na magnitude 8.1 ang lindol ngunit ibinaba rin sa magnitude 7.8

Naitala ang episentro sa layong 123 kilometro Timog-Silangan ng Suva at may lalim na 669 kilometro.

Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, walang inaasahang pacific-wide tsunami bunsod ng lindol.

Read more...