Ito ang inanunsyo ng Palasyo ng Malacañang ngunit wala namang sinabing ispesyal na rason kung bakit babalik nang maaga ang presidente.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matatapos ang lahat ng official engagements ng pangulo sa Biyernes.
Batay sa orihinal na schedule ng pangulo ay nakatakda itong lumipad pabalik ng bansa Sabado ng gabi at darating ng Linggo ng umaga, ngunit dahil sa pagbabago ay darating na Sabado ng umaga sa Davao City ang presidente.
Sa Biyernes, ang huling aktibidad ng pangulo ay ang pakikipagkita sa Filipino Community sa Royal Cultural Palace alas-7 ng gabi.
Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang presidente ng bansa na bumisita sa Jordan at maging sa bansang Israel na kanyang binisita mula noong Linggo hanggang kahapon, araw ng Miyerkules.