MRT nagkaaberya; nasa 750 pasahero, pinababa ng tren

Aabot sa 750 pasahero ang pinababa ng isang northbound train ng Metro Rail Transit (MRT) matapos makaranas ng aberya alas-9:45 ngayong gabi.

Ayon sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr) – MRT 3, nagkaroon ng electrical failure sa motor ang tren dahilan para pababain sa Buendia Station ang mga pasahero.

Makaraan ang 27 minuto ay naisakay muli ang mga pasahero sa panibagong tren.

Itinuturong isa sa dahilan ng electrical failure ang pagkasira ng electrical sub-components ng tren.

Sa ngayon ay isinasailalim na sa preventive maintenance at replacement ng electrical components ang nasirang tren.

Read more...