“Angkas” balik kalsada na

Inquirer file photo

Balik-operasyon na ang motorcyle ride-hailing service na Angkas.

Ito’y makaraang pagbigyan ng Mandaluyong Regional Trial Court ang preliminary injuction na nagpapabalik sa operasyon ng mga namamasadang motorsiklo ng Angkas.

Batay sa desisyon ni Judge Carlos Valenzuela ng Mandaluyong RTC branch 213, inatasan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Department of Transporation o DOTr na huwag hadlangan ang operasyon ng Angkas, at bawal ding hulihin ang kanilang mga biker na tumutugon lamang sa kanilang trabaho.

Matatandaan na sinuspinde ng LTFRB ang operasyon ng Angkas noong November 2017 dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code, at inakusahan na walang business permit.

Idinaan naman ng Angkas sa social media ang kanilang kasiyahan sa desisyon ng korte.

Sa official Twitter account ng Angkas, sinabi nito na bigyan daw sila ng kaunti pang panahon upang mag-adjust, at kaunting paghihintay na lamang habang kukuha sila ng dagdag ng mga biker na magbibigay-serbisyo sa publiko.

Read more...