Palasyo, kinilala ang paglilingkod sa bansa ng yumaong dating Senador Ernesto Herrera

HERERA PRESSCON/MAY 11,2013:Former Senator Ernesto Herrera President of TUCP answer question from the media during his press conference at Tinder box.(CDN PHOTO/LITO TECSON)
CDN Photo/Lito Tecson

Nakiisa ang Palasyo ng Malacañang sa buong bansa sa pagluluksa sa pagyao ni dating Senador Ernesto “Boy” Herrera.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, katangi-tangi ang paglilingkod ni herrera ang bansa bilang isang mambabatas, lider ng trade union at human rights advocate kung saan siya kinilala maging ng international community.

Si Herrera ay pumanaw kahapon sa Makati Medical Center sa edad 73 dahil sa cardiac arrest.

Si Herrera ay naglingkod bilang senador mula 1987 hanggang 1998 at kauna-unahang Pilipino na naging miyembro ng executive board ng International Federation of Free Trade and Union in Brussels, Belgium, mula 1988 hanggang 1992.

Read more...