Tower g NGCP sa Marawi City, binomba kagabi

marawiKinumpirma ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines ang ginawang pamabobomba sa kanilang tower sa Marawi City.

Ayon sa NGCP bandang alas 9:20 kagabi nang bombahin ng mga hindi kilalang suspek ang kanilang tower sa Patani, Marawi City.

Dahil dito, isolated sa Mindanao grid ang Agus 1 at Agus 2 power plants kaya brownout sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ng NGCP agad nilang isasagawa ang restoration ng kanilang pasilidad oras na matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga tao sa lugar.

Read more...