Inaresto ng Bureau of Immigration ang 34 na lalaking Chinese national na iligal na nagta-trabaho sa bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli ang mga dayuhan sa aktong nagta-trabaho sa isang construction site malapit sa isang mall sa Pasay City noong Setyembre 4.
Kasalukuyan nang inaalam ng Bureau of Immigration ang visa status ng mga Chinese national para maberipika kung ito ay mga overstaying alien sa bansa.
Ang mga mapapatunayan na undocumented at walang kaukulang dokumento ay kanilang kakasuhan at ipatatapon pabalik sa China.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng B.I na pumasok sa bansa ang mga dayuhan bilang turista at kinuha bilang mga construction workers kahit walang work permit mula sa pamahalaan.
Paliwanag ni Morente, hindi maaring magtrabaho sa Pilipinas ang mga dayuhan na walang permit mula sa Department of Labor and Employment at working visa mula sa kanila.