P1.1B na supplemental budget para sa Dengvaxia victims magagamit na ng DOH

Inquirer file photo

Welcome sa Malacañang ang pag-apruba ng Senado sa panukalang batas na magkaroon ng P1.161 Billion na supplemental budget para mapondohan ang pangangailangan medikal ng mga batang naturukan ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.

Ipinarating ng Malacañang ang kanilang pasasalamat sa Senado sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Samantala sa pulong balitaan sa Malacañang ay sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na mas maayos nang matututukan ng kanilang hanay ang kalagayan ng mga bata na nabigyan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Duque, makakagawa na sila ng surveillance, monitoring, treatment, intervention at pagpapa-ospital sa mga bata.

Tinatayang nasa mahigit 800,000 bata ang naturukan ng dengvaxia vaccine sa bansa.

“The Palace appreciates Senate’s prompt approval of Dengvaxia supplemental budget”, ayon pa sa kalihim.

Read more...