Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, bukod sa milyong dolyar na business investment, maayos din ang pagtrato ng Israel sa mga Overseas Filipino Worker.
Dagdag ni Go, walang OFW ang nagsumbong sa pangulo na hindi naging maganda ang pagtrato sa kanila ng Israel.
Matatandaang isa sa mga napagkasunduan sa pagsbitia ng pangulo ang Memorandum of Agreement on the Temporary Employment of Home-based Filipino Caregivers na kung saan nakapaloob ang pagbawas ng hanggang $12,000 sa binabayaran ng mga caregivers sa pag-abroad sa Israel.
Sa ngayon, nasa Jordan na ang pangulo para sa official visit.
Tatagal ang pagbisita ng pangulo sa Jordan hanggang sa September 8.