QC Jail sa Payatas sisimulan nang itayo

Kuha ni Jong Manlapaz

Sisimulan nang itayo sa Payatas Road, Brgy. Silangan sa Quezon City ang pinakamalaking kulungan ng Bureau of Jail Management ang Penology o BJMP.

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan, nagkakahalaga ng P1.4 bilyon ang pasilidad, habang ang Quezon City Government ang siyang bumuli ng mahigit limang hektaryang lote na nagkakahalaga ng P120 milyon.

Ayon naman kay QC Mayor Herbert Bautista, state of the art ang ipapatayong pasilidad na kayang magkasya ay may 5,000 hanggang 6,000 na preso.

Naniniwala naman si Tapayan na mahigit 100 porsiyentong masusulusyunan na ang sisikan ng mga detainee sa QC jail kapag natapos na ang bagong bilangguan.

Read more...