Dagsa ang tao sa last 2 days ng registration at biometrics

comelec qc 30 1
Kuha ni Jun Corona

Tila pila sa MRT dahil sa haba ang mga nais magparehistro at magpa biometrics sa Comelec Quezon City.

Ayon sa ilang mga humahabol na karamihan ay mga estudyante at nagtatrabaho ngayon lamang sila nagtungo sa Comelec dahil mayroon silang pasok sa school at trabaho.

Ang iba naman ay ngayon lamang daw nagkaroon ng pagkakataon para makapunta sa Comelec.

Kuha ni Erwin Aguilon

Samantala, maliban sa District 3 na mayroong satellite registration at biometrics sa Eastwood mall, ang lahat ng District 1,2,4,5 at 6 ay sa Quezon City Hall isasagawa.

Ang pagpaparehistro o pagpapabiometrics ay mula alas nuebe ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi at hanggang bukas na lang October 31 ang deadline.

Read more...