Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang Rev-Gov ay para lamang sa mga lider na walang mandatong konstitusyonal.
Sa kaso aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte, malinaw na may mandato ito na pamunuan ang bansa matapos iboto ng labing anim na milyong Filipino.
Una rito, sinabi ni Trillanes na kapag nagdeklara ang pangulo ng revolutionary government, susunod na ang diktaturyang pamamalakad sa Pilipinas.
Ginawa ni Trillanes ang pahayag matapos ipawalang bisa ng pangulo ang amnesty na iginawad ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa senador dahil sa kudeta noong 2003 at 2007.
MOST READ
LATEST STORIES