Bunsong anak ni Marjorie Barretto isinugod sa ospital

Isinugod sa ospital ang bunsong anak ni Marjorie Barretto na si Erich dahil sa mataas na lagnat.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post ng ilang larawan at video si Marjorie kung saan makikitang nagpapahinga ang anak sa isang ospital.

Binista naman si Erich ng kaniyang mga kaanak at kaibigan para alagaan ito sa ospital.

Matatandaang ngayong taon lang inanunsiyo ni Marjorie sa publiko ang tungkol sa kaniyang anak.

Marami man ang nasorpresa, tuloy pa rin ang ipinaparating na suporta ng mga fans ng Barretto family para kay Baby Erich.

Read more...