LOOK: Gold medalist Margielyn Didal, nag-dab pose kasama ang dalawang senador

Twitter Photo: Sen. JV Ejercito

Game na nakipagkulitan kay Asian Games gold medalist Margielyn Didal sina Senators JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri.

Sa kaniyang Twitter, ibinahagi ni Ejercito ang larawan nila ni Zubiri kasama si Didal at silang tatlo ay pawang naka-“dab pose”.

Sumikat ang “dabbing” o “dab” na isang dance move at mula noon ay ginagamit na ng marami maging ng mga Pinoy sa pag-pose sa mga larawan.

Si Didal ay madalas nakikitang nagda-dab pose at noong kasagsagan ng pag-compete niya sa Asian Games ay nakikita siyang ginagamit ang nasabing pose tuwing makagagawa ng magandang moves.

Read more...