Ayon sa naturang business magazine, umabot na ang net worth ng dating senador sa $5 billion o katumbas ng P267.3 bilyon.
Triple ang itinaas nito sa dati nitong net worth na $1.6 billion noong nakaraang taon.
Ito na ang pinakamataas na pwestong naabot ni Villar simula ng mapabilang sa eksklusibong listahan noong 2006.
Pinalitan ni Villar sa pwesto ang Chinese-Filipino businessman na si John Gokongwei Jr. na ngayon ay nasa ikatlong pwesto sa listahan.
Mula kasi sa $5.5 billion, bumaba ang net worth Gokongwei sa $4.4 billyon ngayong taon.
Samantala, nananatili namang nangunguna sa listahan ang chairman ng SM Investments na si Henry Sy na may net worth na $18.3 billion.
Narito ang bagong listahan ng pinakamayayamang Pilipino sa bansa:
1. Henry Sy – $18.3 billion
2. Manuel Villar – $5 billion
3. John Gokongwei Jr. – $4.4 billion
4. Jaime Zobel de Ayala – $4 billion
5. Enrique Razon Jr. – $3.9 billion
6. Tony Tan Caktiong – $3.85 billion
7. Lucio Tan – $3.8 billion
8. Ramon Ang – $2.85 billion
9. George Ty – $2.75 billion
10. Andrew Tan – $2.6 billion