Ikatlong pulong sa pagitan nina Kim Jong Un at Moon Jae-in, itinakda na

AP Photo

Magpupulong sina North Korean leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in sa isasagawang summit sa Pyongyang ngayong September.

Nagkasundo ang dalawang lider na gawin ang summit sa Pyongyang mula September 18 hanggang 20, 2018.

Ayon kay South Korean envoy Chung Eui-yong, nakatakdang pag-usapan nina Kim at Moon ang ilang isyu kabilang ang “practical measures” para sa Korean peninsula.

Sa ngayon, nakalipad na sa Pyongyang ang national security advisor ni Moon na si Chung para makipagkita kay Kim at ipadala ang mensahe ni Moon para sa North Korean leader.

Ito na ang ikatlong beses na pagpupulong ng dalawang lider.

Read more...