Meralco may bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Setyembre

Sa gitna ng pagtaas ng halos lahat ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, inanunsyo ng Meralco na magkakaroon ng bahagyang pagbaba sa singil nila sa kuryente ngayong buwan ng Setyembre.

Ayon sa Meralco, nasa 14 centavos kada kilowatt hour ang mababawas sa kanilang singil.

Para sa mga consumer na ang konsumo ay umaabot sa 200 kilowatt hour kada buwan, makararamdan sila ng P29.16 na pagbaba sa kanilang bill.

Habang P43.74 naman ang mababawas sa bill kung ang konsumo ay 300 kilowatt hour kada buwan; P58.32 ang bawas sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan; at P72.90 ang bawas sa bill kung ang konsumo ay 500 kilowatt hour kada buwan.

Mararamdaman ng mga consumer ang bawas sa kanilang September bill.

 

Read more...