Naaksidenteng van nagdulot ng perwisyo sa traffic sa Parañaque

Nagdulot ng bigat ng trapiko ang tumagilid na isang wing van truck sa bahagi ng Bicutan East Service Road sa Parañaque, Huwebes ng umaga.

Ito ay dahil nagkalat ang laman ng trak na ipa o pinagbalatan ng palay sa northbound lane ng kalsada.

Ayon sa Skyway O & M Corporation (SOMCO), pansamantalang isinara ang magkabilang lane ng service road matapos mangyari ang aksidente bandang 5:00 ng umaga.

Umabot pa ang dulo ng trapiko sa bahagi ng Alabang.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations sa lugar.

Read more...