Banta ni Trillanes sa mga abogado ng administrasyon: Kakarerin ko kayo!

Kakarerin ko kayo!

Ito ang banta ni Senator Antonio Trillanes IV sa mga abogado ng administrasyon na aniya ay nagpapagamit sa panggigipit sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang muling pagharap sa media sinabi ni Trillanes na malinaw namang “bogus” ang basehan ng proklamasyon ng Malakanyang na nagpapawang-bisa sa kaniyang amenstiya.

Babala pa ni Trillanes sa mga abogadong nakapalibot sa pangulo, hindi matatapos ni Duterte ang kaniyang termino at hindi ito tatagal sa pwesto.

Sa sandaling mawala na sa posisyon si Duterte sinabi ni Trillanes na titiyakin niya na hahabulin niya at papanagutin ang mga abogadong nagpagamit sa pangulo.

Ani Trillanes, naloko ni Duterte ang kaniyang mga tao sa inilabas na proklamasyon.

Partikular na binanggit ni Trillanes na kaniyang hahabulin ay sina Solicitor General Jose Calida at Justice Sec. Menardo Guevarra.

Read more...