3 patay sa sakit na tigdas sa Albay at Camarines Norte

DOH Photo

Hindi bababa sa tatlong katao ang namatay sa probinsya ng Albay at Camarines Norte dahil sa sakit na measles o tigdas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Bicol family cluster head Dr. Rita Mae Ang-Bon, nakapagtalaga na ng 187 kaso ng tigas sa buong rehiyon mula January 1 hanggang September 1, 2018.

Kumpara noong 2017, mas mataas ito mula sa dating rekord na 54 kaso ng naturang sakit.

Sa huling tala ng kagawaran, mayroon ng 12 pasyente na na may sakit na tigdas sa Albay, 38 sa Camarines Norte, 60 sa Camarines Sur, tatlo sa Catanduanes, 62 sa Masbate at 12 sa Sorsogon.

Patuloy naman ang mga isinasagawang school-based measles, mumps at rubella vaccinations sa buong bansa para labanan ang mga nabanggit na sakit.

Read more...