Umaasa ang Korte Suprema na mas mapapabilis na ang pagresolba sa mga kasong kriminal sa bansa.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng Supreme Court ng bagong alintuntunin na maghihigpit laban sa postponement ng paglilitis sa mga nakabinbing kaso.
Inilabas ng Supreme Court ang Revised Guidelines on Continuous Trial in Criminal Cases sa paniniwalang isa sa pangunahing dahilan ng delay sa mga kaso ang postponement ng mga hearing.
Ayon kay Associate Justice Diosdado Peralta , base sa revised guidelines hindi na pahihintulutan ang mga hirit para panibagong petsa ng paglilitis oras na mapagbigyan ang motions for postponements base sa exceptional grounds at kapag nagbayad na ang partido ng postponement fee.
Obligado din aniya ang mga korte na tapusin ang pagpi-presenta ng mga ebidensya sa kaso sa mga napagkasunduang petsa.