Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na walang kinalaman ang kanilang hanay sa pag-aaral o pagreview sa amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Senador Antonio Trillanes IV.
Tugon ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tumatayong officer-in-charge o tagapangalaga ng bansa habang nasa official visit si Pangulong Duterte sa Israel, sa banat ni Trillanes na kasama na ang kalihim sa listahan ng mga opisyal ng administrasyong Duterte na incompetent.
Paliwanag ni Guevarra, hindi siya pumapatol sa mga personal na pag-atake ni Trillanes na isang immature.
Idinagdag pa ng kalihim na bagaman may ipinakitang video clips si Trillanes ng pag-apply niya para sa amnesty, wala naman aniya itong ginawang pag-amin sa kaniyang mga kasalanan.