Hanggang Sabado na lang ang registration at biometrics

LAST DAY SK REGISTRATION/SEPT. 29, 2014: Students from different highschools troop to the Comelec office on Osmeña Blvd. during the last day of registration for the Sanguniang Kabataan (SK) election.(CDN PHOTO/JUNJIE MENDOZA)
(CDN PHOTO/JUNJIE MENDOZA)

Muling pinaalalalahanan ng Commission on Elections ang nasa 3 milyong mga botante na wala pa ring biometrics data na samantalahin na ang huling dalawang araw ng registration upang makapagparehistro.

Haanggang Sabado na lamang October 31, 2015 ang deadline na itinakda ng Comelec para samg wala pa ring biometrics data.

Iginiit ng Comelec na wala nang ibibigay pang extension ang komisyon sa mga hindi pa rin makakapagpauha ng biometrics data.

Sakaling hindi pa rin makapagpa-biometrics ang isang botante, hindi sila makakaboto sa araw ng eleksyon sa susunod na taon.

Sa ngayon aniya, umaabot sa mahigit isanlibong katao ang dumadagsa sa mga registraion centers at sa kanilang mga satellite offices.

Nagdagdag na sila aniya ng information centers sa mga satellite registration areas upang makatulong na mabawasan ang mahabang pila.

Read more...